Translate

Thursday, August 16, 2007

Inay

To readers bloggers or not. Dili ni meant to offend in any way..Ang inyong mabasa is somewhat irreverent, but hilarious...Just wanted to share how Filipinos sometimes go to the extreme para lang sa pamilya, how hilarious we can be, atong ingenuity ug unsaon nato ug survive with smiles sa atong mga nawong gihapon despite the cruelty of life..sorry sa maoffend ha...don't read if offensive to you...this is not a true story but a good laugh and source of reflection.Read through hangtud sa baba to enjoy it.

Inay…a Mother’s Day Story

Guys have you heard the story of the mag-ina in the US? Anyway let me tell the story of their life here in Los Angeles. Dalawa lang silang mag-ina dito sa America at hinihintay nila ang pagdating ng pamilya nila. Pero unfortunately while they were waiting, the mother died. The family in the Philippines wants their mom to be buried back home pero it was so expensive. Pero dahil majority of the family wants it that way, walang choice ang anak dito sa States kung hindi sundin ang mga nakakatanda sa kanya, Dahil nga very expensive, she decided to just remain in the States and ship the coffin unaccompanied. Nang dumating na sa Pinas ang kanilang ina, may napansin ang pamilya na hindi maganda. Ang mukha at katawan ng inay hila ay dikit na dikit na sa salmin ng kabaong. Sabi tuloy ng isa, “Ay tingnan mo yan, hindi sila marunong mag-asikaso ng patay sa Amerika”.

To cut the story short, they prepared the coffin for viewing, pagbukas ng takip (salamin) ng coffin, may napansin silang sulat sa dibdib ng kanilang Inay. Dahan-dahang kinuha at nangi-nginig na binuksan ni kuya (panganay na anak) ang sulat at binasa sa lahat na buing pamilya. Ang nilalaman ng sulat ay ito:


“Mahal kung mga kapatid,

Hayan na si Inay!! Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang inay sa pag-uwi diyan sa Pilipinas sa kadahilan na napaka-mahal ng pamasahe. Ang gastos ko na nga lang sa kanya ay kulang-kulang sa sampung libo (Kabaong at shipment). Ayoko ng isipin pa ang eksaktong halaga. Anyway, pinadala ko kasama ni inay ang:

  1. dalawampu’t apat na karne norte sa nasa likod ni inay. Maghati-hati na kayo.
  2. Anim na bagong labas na Reebok sneakers…isa suot suot ni Nanay…and lima nasa ulunan ni Inay…isa isa na kayo riyan
  3. Ibat-ibang kalseng tsokolate, nasa puwitan ni Inay…maghati-hati na kayong lahat…
  4. Anim na Ralph Lauren na T’shirts suot-suot ni Inay…para sa iyo kuya, at isa isa ang mga pamangkin ko.
  5. Isang dosenang Wonderbra na gusting-gusto ninyo, mga kapatid ko, suot suot din ni Inay. Maghati-hati na kayo riyan.
  6. Dalawang dosenang Victorias Secret na pantiesna inaasam-asam ninyo, suot-suot din ni Inay. Maghati-hati narin kayo Ate…
  7. Walong Dockers na pantaloon suot-suot din ni Nanay…kuya, Diko, isa isa na kayo at mga pamangkin ko.
  8. ang Rolex na hinabilin mo kuya, eh suot-suot din ni Inay. Kunin mo na
  9. ang hikaw, singsing, at kuwintas na gusting-gusto mo, Ate eh suot-suot din ni Inay. Kunin mo na.
  10. mga chanel na medyas, suot suot din ni Inay, Isa-isa na kayo, at mga pamangkin ko.

Bahala na kayo kay Inay. Pamimisahan ko na lang dito. Balitaan niyo ako pagkatapos ng libing.


Nagmamahal na kapatid,

Nene

PS. Pakibihisan na lang si Inay…



copyright 2000 Philippine Science High School Batch '72



No comments: